Martes, Marso 1, 2005
MaLABOng PagliLINAW!
========================
ANG SAYA! Tatlong linggo nalamang at
bakasyon na!!!!
Subalit nakakalungkot ding isipin na
meron pa kaming labintatlong (13) major
exams na dadating...
(Pano kaya yun pagkakasyahin sa 3 linggo?)
Bahala na si Batman!
========================
Mula sa pagka babad sa formalin, sa malansang amoy ng pusa at sa
pagkasunog ng mga balat sa kamay dahil sa chloroform at kung anu-ano pang chemicals sa Biochem,.. andito muli ang inyong abang lingkod upang magbahagi ng aking mga nasasaloob at upang idetoxify ang aking sarili...^_^
.
.
At dahil NAMISS ko ito...hehe
merong akong DALAWANG kwento na nais ibahagi...
(Excited?!)
.
.
===================
Unang JUNTA...
(UsaPANG baYseksWAL)
===================
Tagal ko nang iniisip kung bakit may mga tao sa ating lipunan na pinipili at ninanais na maging bisexuals... Ano ba ang nagiging basehan ng mga tao upang matawag ang sarili bilang ganito? Kelan mo masasabi na bisexual ka na at kailan pa nagkaroon ng konseptong ito?
.
Hanggang sa isang umaga sa klase ko sa Zoo 102 (Comparative Vertebrate Anatomy) kay Maam Meggie,. bigla nalamang niyang nabanggit na. tayo daw lahat ay isinilang na BISEXUALS,.. Ang pakahulugan nito ay meron tayong dalawang posibleng kasarian nung tayo ay iluwal dito sa mundong ibabaw...
At ayon din naman kay kumapareng George C. Kent, (manunulat ng aklat na Comparative Anatomy of Vertebrates),
.
"During early development the gonads are indistinguishable as to sex, and they have the potential to become either ovaries or testes, given appropriate stimuli"
.
Sa makatuwid ay tama nga ang nabanggit ni Maam Meggie.. Bisexuals nga tayong lahat ng tayo'y ipinanganak!
Nagkaroon nalamang ng pagbabago at pagkakakilanlan sa lalaki at babae ay nang dahil sa pagbabagong hormonal at pagdedevelop ng bawat organo sa katawan.
.
.
Nakakatuwang isipin noh?
Na sa ating lipunan na hindi pa ganap tanggap ang pagkakaroon ng mga nilalang na piniling maging bisexuals ay isinilang palang ganito...
.
.
Wala lang!
.
.
====================
Pngalawang JUNTA...
(LUmanG-BAgo)
====================
Malipat naman tayo sa Kasaysayan..
Ukol naman ito sa pagiging LIBERATED ng mga kababaihan at maging mga kalalakihan sa panahon ngayon,..
Sinasabi ng ilan na nabibilang na daw sa mga daliri ng pusa (para maiba naman! hehe) ang mga kababaihang konserbatibo, "MAKALUMA" at mala-Maria Clarang hindi makabasag-pinggan.
Ang mga kababaihan na daw ngayon ay "Modern" na masyado at lubhang liberated..
.
.
Pero teka.. "modern" at "makaluma"?
Tama kaya ang paggamit natin sa mga konseptong ito?
.
Kung ating tututukan ang mahabang kasaysayan ng ating bansa, at babalikan ang mga panahong hindi pa tayo naiimpluwensyahan ng ibat-ibang kultura, ang mga kababaihan at kalalakihan ay namumuhay na sa pamamaraan na maari nating sabihing "liberated"..
.
Paano ka'mo?
Narito ang ilan sa mga naganap noon:
.
* Ang mga kababaihan noong panahong yaon ang siyang pumipili ng kanilang magiging asawa,..sinasabing sila ang siyang nakikipagaway sa ilang babae sa kanilang lugar sa oras na may napusuan na sila...(na nagaganap ulit ngayon)
* Sa kanilang pananamit naman, masaya na ang mga tao noon na mayroon silang taklob kahit ang mabuhok na bahagi sa gitna ng kanilang mga singit..(para ding ngayon! joke! hehe ^_^)
* Uso na rin dati ang mga lalaking nagpapanggap na babae (popular sa tawag ngayon na "bakla", "badingger-Z" o kung anong nais nyong itawag sa kanila!) Yun nga lamang, mas kilala sila noon sa tawag na babaylan.. ngunit hindi naman ibig sabihin nito ay homosekswal na lahat ng babaylan. Meron lamang paniniwala noon na mas nararapat na babae ang mga babaylan na ito. Sila ang mga manggagamot sa kanilang lipunan na kinakailangang magsayaw at magawa ng ibat ibang ritwal..
Pinaniwalaan din noon na ang mga babaylan na lalaki ay nakikipagtalik narin sa mga kabaro nila upang mas maging makatotohanan ang kanilang pagganap sa pagiging babae.. Nagbabayad narin sila ng kung anu-anong pagkain o ginto sa mga lalaking pumapasok sa kanilang tirahang kubo.
.
Liberated hindi ba?!
.
Nagkaroon nalamang tayo ng konsepto ng pagiging "konserbatibo" sa pagdating ng mga Espanyol.
Nagawa kasi nilang ikulong ang gampani ng mga kababaihan sa tatlong "Ks" at ito ay ang kusina, kumbento at kama...Nagawang itanim sa ating mga isip sa panahong ito ang mga katangian ng pagiging mahinhin at ang pagiging hindi makabasag pinggan...
Sa mga paghahaing ito ng dalawang bahagi ng pagiging "moderno" at "makaluma" sa ibat ibang panahon sa ating kasaysayan,
.
.
Naisip ko lamang,...
Hindi kaya baliktad kung ating sasabihin na MODERNO ang pagiging liberated at MAKALUMA naman ang pagiging mahinhin at mala-Maria Clara? Dahil mas nakita ang mga katangian ng pagiging LIBERATED sa ating mga ninuno, sa tingin ko ito ang mas nararapat nating tawagin na MAKALUMA..
.
At dahil naman sa panahon palamang ng pagdating ng mga Espanyol natin nakuha ang konsepto ng pagiging "mahinhin" at "koserbatibo" (na mas maaga) hindi kaya mali na tawaging MAKALUMA ito, bagkus ay ito pa ang dapat nating tawaging MODERNO?
.
Kaya mula ngayon "moderno" na ang dapat tawag sa mga mahinhin,.. at "makaluma" naman sa mga liberated..
.
Sa tingin mo?
.
^_^