Huwebes, Disyembre 2, 2004
******************************
HAY Naku.....
******************************
Wala nanamang pasok.. Hindi ko alam kung matutuwa pa ako o maiinis na sa sunud-sunod na mga araw na nawawalan ng pasok. Natutuwa ako kasi nabibigyan ako ng mas mahabang oras upang makapagpahinga at matulog. Subalit sa kabilang banda ay nakakaasar din sapagkat ilang gabi na rin akong nagpupuyat para sa mga exams at quizes na dapat sana ay naibigay na subalit nauudlot dahil kay Yoyong at kay Gat Andres Bonifacio...
Nakatadhana na nga siguro na mawalan kami lagi ng klase sa Plant Taxonomy (Lab at Lec) at sa Comparative Vertebrate Anatomy (Lec) namin. Ang mga asignatura na ito ay nakaiskedyul tuwing lunes at huwebes, na kung iisipin ay ang mga araw na lagi nalamang walang pasok (Pansin ko lang ha!).
Kaya eto ako ngayon pinipilit na maging produktibo sa mga araw na walang klase. At pilit din na pinupunan ang mga dapat sana ay nagawa ko na kung mayrong pasok, pero bakit kaya ganon? Kahit anong pilit ko na gumawa at magpakatoxic ay sa kama ko parin ang bagsak ko.. kapiling ng malambot kong unanan at bagong labang kumot..*Buntunghininga* Ayokong maging idle!!... Pero hindi ko ito minsan maiwasan.. Ang lamig kasi ng hangin na sinamahan pa ng makulimlim na langit. Tapos nakikita ko pa ang mga kakwarto ko na mga nakahilata na at tahimik na natutulog sa kani-kanilang mga kama, ang iba na nag-iinuman ng kape habang nagkukwentuhan, mga nagchechess, naggigitara at nagkakantahan...*Buntunghininga ulit*
Sana may pasok na bukas...
Walang PASOK!!!!