Huwebes, Nobyembre 25, 2004
Nakaranas ka na ba noong bata ka pa na matakot sa mga bampira at aswang?
Ito yung mga gabi sa buhay ko na tatakbo ako sa kwarto ng aking nanay at tatay upang doon na matulog katabi nila. O kaya naman ay ang piliting matulog na may nakatalukbong na kumot sa buong magdamag kahit na sobrang init wag lamang makagat sa leeg ng mga nagnanakaw ng dugong ito. Nananaginip pa ako noon ng mga patay na bigla nalamang mabubuhay at pupunta sa aming bahay para kuhanin ako at gawin ding kampon ng kadiliman na katulad nila.
Naranasan ko ito noong kasagsagan ng mga pelikulang Shake Rattle and Roll at Halimaw sa Banga na nagdulot sa akin ng hindi pagkakatulog sa loob ng mga isang linggo (at dapat may katabing bawang sa kama) Na nagiging dahilan kung bakit lagi akong napapagalitan ng nanay dahil lagi niyang nilalabhan ang bed sheet dahil sa baho ng bawang. Ultimo ang pagpunta sa aming CR noon upang umihi sa gabi ay nagpapasama pa ako sa aking nanay. Hindi narin ako maaaring utusan upang bumili sa gabi sa aming suking tindahan (Dely's Store) sapagkat hindi ako maaring lumabas sa takot sa bampira, werewolves at aswang at kung anu-ano pa na sa aking imahinasyon ay naglipana sa paligid.
Nakakatawa hindi ba?
Hanggang sa may mabasa ako ukol sa isang kakaibang sakit sa balat at sa circulatory system na maaaring isipin natin na pinagmulan ng mga sinasabing alamat sa mga bampira. Ito ay ang sakit na PORPHYRIA na noong Middle Ages natuklasan. Ito ay isang namamanang sakit na nakakaapekto sa isa(1) bawat 25,000 na tao. Pinaniniwalaan na ang sikat na pintor na si Vincent van Gogh na pumutol sa kanyang sariling tenga at nakapagbenta lamang ng isang painting sa tanang buhay niya ay nagkaroon ng sakit na ito.
Hindi nakakagawa ng iron-containing heme na bahagi ng hemoglobin (ang nagbibigay sa dugo ng pula nitong kulay) ang mga taong may ganitong karamdaman. nasabi ko na maaaring nag-ugat sa sakit na ito ang maraming alamat sa bampira at werewolves dahil sa mga kakaibang sintomas nito na maaari nating ikumpara sa karaniwang nagaganap sa isang "aswang" o bampira sa ating imahinasyon.
Ang mga sintomas ng PORPHYRIA ay ang mga sumusunod:
* Photosensitivity o ang pagkakaroon ng mga kakaibang epekto ng sikat ng araw sa katawan. Sinasabing kapag nasisikatan ng araw ang mga taong may karamdamang ito ay nagkakaroon sila ng mga sugat at bigla na lamang nagdudugo ang ilang bahagi ng kanilang katawan. Minsan din ay bigla nalamang napuputol ang mga daliri sa paa at kamay at pati na ang ilong tuwing nasisikatan sila ng araw.
(Ito marahil ang dahilan kung bakit sinasabing ang mga bampira ay lagi nalamang nasa loob ng madidilim na lugar at tuwing gabi lamang lumalabas)
* Ang mga ngipin din ay abnormal ang paghaba lalo na ang mga pangil. Umuurong din ang kanilang mga gilagid na lalong nagpapalitaw ng kanilang mga ngipin.
(Ito kaya ang basehan ng mga matutulis na "pangil" ng mga bampira?)
* Abnormal na paglago ng buhok sa mukha at mga kamay ng biktima. minsan din ay tila nagiging "paws" ang mga kamay ng may sakit na ganito.
(Basehan marahil ng alamat ng werewolves?)
* Pinaniniwalaan din na ang pag-iinject ng heme sa katawan ay isa sa mga panlunas sa sakit na ito. At dahil nga wala pang Heme injections noong Middle Ages, marahil ang mas mabuting paraan na naisip nila ay ang pag-inom ng dugo.
(Na siya namang kilalang ginagawa ng mga bampira sa kanilang mga biktima)
* Ang mga matatapang na mga kemikal at amoy ay nagdudulot din ng paglala ng mga sintomas ng sakit na ito. Ang mga ilan sa mga matatapang na kemikal at amoy ay katulad ng sa BAWANG, sibuyas atbp.
(Maaaring maging basehan ng paniniwala na ang mga aswang ay takot sa bawang)
Sa pagkukumparang ito, marahil nga ay nakahanap na ng siyentipikong paliwanag ukol sa mga bampira at aswang na nagdudulot sa mga maliliit na bata ng takot.(kagaya ko dati..hehe)
Tunay ngang nakakatawa pero kung iniisip ko dati na posible akong maging biktima ng mga naglipanang mga aswang at bampira sa paligid....Siguro nga ay nagkakamali ako.. Sapagkat sila palang may kakaibang karamdamang ganito ang nagmimistulang biktima at ang siyang dahan-dahang ninanakawan ng dugo, na siyang pumapatay sa kanilang sistema...
AsWang-aSwaNgan