Martes, Nobyembre 16, 2004
Bakit ganito ako?
Dati na wala akong blog, tila mas madami pa sa mga sumusulpot na kabute tuwing tag-ulan ang mga nais kong isulat para sa blog... Pero ngayon naman na may blog na ako at lahat ay tila mas madalang pa yata sa patak ng ulan sa tag-araw ang pagnanais ko na sumulat.... Hindi naman ako ganito dati. Noon, hanggat maaari ay lagi akong may hawak na lapis at papel upang kung ano man ang aking makikita sa aking paligid na makakahuli sa aking atensyon ay dagli ko kaagad ito isusulat kahit nasaan man ako (kahit sa restroom pa..hehehe)
Hanggang sa kaninang umaga... Habang naglalakad sa kahabaan ng Ayala Blvd. sa pagitan ng TUP at PNU, bigla ko nalamang naramdaman ang malakas na pagnanais na maggawa ng blog... At ayun, naisip ko nalamang ng ikwento ang aking buhay tuwing umaga.
Kasalukuyan akong naninirahan ngayon sa isang liblib na kalye sa may San Marcelino (Teresa St.) na kung iisipin ay medyo may kalayuan sa Peyups. Bawat umaga, tinatahak ko ang mahabang stretch ng Ayala Blvd na kilalang-kilala na pugad ng mga holdapers at snatchers (lalo na tuwing madaling araw). Kahalo pa ng takot na ito ay ang maagang pagkahilo dahil sa sandamakmak na naglalakihang trak at sasakyan na dumadaan sa kalsadang katabi nito. Syempre pa, hindi rin maiiwasan sa paglalakad ang pagbubungguan ng mga estudyante at ang pagsisik-sikan lalo na tuwing mag-aalas siete ng umaga at alas-kwatro naman sa hapon... Kakaiba rin ang pakiramdam ng isang estudyanteng hindi naka-uniporme na mag-isang naglalakad sa dagat ng mga estudyanteng pusturang-pustura sa kanilang nagpuputiang uniporme
Subalit sa kabila ng nadadama kong takot, pagkahilo at pakiramdam na pagiging iba,.. may kakaiba ring kaligayahan ang napapasaloob ko tuwing naglalakad ako tuwing umaga.. Kaligayahan na marahil ay nag-uugat sa natatanging pakiramdam ng pagiging malaya at pagiging iba sa nakararami; pagiging malaya na isuot ang mga nais ko at ang pagkakaroon ng oras upang makapagisip-isip sa mga bagay-bagay na bumabagabag sa akin at sa mga nararanasan na kakaiba... Sa loob ng labinlimang minutong lakaring ito, napapagana ko ang aking imahinasyon tulad ng pagnanais na mawala nalamang ang lahat ng makakasalubong ko at maging malinis sa mga tao at mga sasakyan ang nilalakaran ko.. Naiisip ko rin kung ano kaya ang mga iniisip ng mga tao na nakaksalubong ko at doon ako nagsisimula na gawan sila ng mga dialogue na nakakatawa..Kung minsan naman ay kinakausap ko nalamang ang aking Bestfriend na si Jesus..la lang! kamustahan.
Marahil noong una ay hindi ko naeenjoy ang paglalakad ng mag-isa tuwing umaga, pero ngayon, tila nakakitaan ko na ito ng kakaibang kaligayahan.. praktikal at tama lamang marahil ito sapagkat mahigit dalawang taon ko pa itong gagawin sa bawat araw na gagawin ng Diyos...*Buntunghininga... Good luck sa akin!
UMAGA SA AYALA