Martes, Disyembre 7, 2004
===========================================
Ang maiksing kwentong ito ay aking isinulat noong nakaraang taon sa
mga gabi na may pagkabangag ako at nagninilay-nilay sa aking mga
sentimiyento sa buhay..haha! Ano ang kahulugan nito? Hhmmmmm..
hindi ko rin lubos na natatalos,.. kayat iiwan ko nalamang po sa inyo
ang pagpapakahulugan sa aking katha matapos itong mabasa...
Nawa ay magustuhan ninyo!! :)
============================================
Nakabibighani at misteryoso ang sinag ng buwan noong gabing yaon. Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking halos manhid ng pisngi at tila nagbabadya ng pagdating ng isang daluyong. May kalungkutan ang malabay na puno ng akasya sa bawat dahong nalalagas sa kanyang matipunong sanga na tanaw mula sa aking kinaroroonan.
Halos mag-iisang oras narin akong nakadungaw sa terasa ng gusaling iyon, kaya't nagdesisyon ako na maglakad na muna sa mahabang pasilyo sa ibaba. Nakabibingi ang katahimikan at hindi ko na makita ang nasa dulo ng pasilyo. Hanggang sa may maaninag akong pigura ng isang bata sa gitna. Hindi ko malaman ang pumipigil sa akin subalit, tila hindi ako makalapit sa mala-anghel na batang ito; bilugan ang kanyang mukha at katawan, mamula-mula ang pisngi at ang mga mata nito ay kumikislap na tila may taglay na pag-asa.
Naging panatag ang aking kalooban ng sumilay ang ngiti sa labi ng bata. Nais ko na talaga siyang lapitan subalit nagulat na lamang ako ng may isang malalim na bangin ang gumuhit sa sahig! Nakangiti parin ang bata subalit, sandali lang... Hindi siya sa akin nakatingin...
Sa kabilang dako ng madilim na pasilyong ito nakatanaw at tumatawa... Subalit sino ang kanyang nginingitian?
Lumingon ako upang tingnan kung sino ang kanyang nginingitian, at doon nakita ko ang isang diwata-- inaayos at pinagaganda ang kanyang mga perlas. Maningning at maliwanag ang diwata na nababalutan ng animoy bahaghari na siyang nagbibigay kaligayahan sa bata.
"Da...da!"
Ang masiglang sigaw ng walang-bahid-kasalanang bata habang sinusubukang kuhanin ang atensyon ng diwata. Ngunit ang tawag na ito ng bata ay hindi narinig ng diwata. Bagkus ay patuloy parin siya sa paglilinis ng mga perlas. Nalungkot ang bata ngunit alam niyang hindi ito makapipigil sa kanyang mithiin. Nais niyang maiduyan ng diwata habang umaawit ito.
Unti-unti, sa mahina at wala pang kasanayang mga paa ay ipinagkatiwala ng bata ang kanyan bigat. Tumayo siya at nagsimulang lumapit sa diwata. Dahil sa tindi ng kanyang pagnanais na makalapit agad ay hindi niya napansin ang mga bato sa kanyang dinaraanan na naging dahilan ng kanyang pagkatalisod.
"BOG!"
Ang pumaimbabaw na tunog ng humampas ang munting katawan ng bata sa semento. Pinipigil ang luha, muli itong sumigaw-- "Da..da!" Subalit hindi parin ito narinig at napansin ng abalang diwata. Ang mga perlas niya na kung bibilangin ay umaabot ng dalawampu ay halos malinis ng lahat-- lima nalamang ang natitira.
Muli, tumayo ang bata, sa isip niya ay ang hangarin na lumapit muli upang marinig na siya ng diwata. Sa pangalawang pagkakataon'y nadulas muli siya ng matapakan niya ang mga batong nakakalat sa pasilyo. Hindi sana siya iiyak subalit ang mga batong ito ay may mga bubog na sumugat sa kanyang mala-sutla at malalambot na tuhod at kamay...
"Da,da,da,da,daaaaa!"
Ang walang maliw na sigaw ng bata na halos ay wala ng boses. Sa tindi ng sakit, di na niya nakayang tumayo kaya't gumapang nalamang siya habang sumisigaw-- nanghihingi ng awa mula sa diwata, animo'y sinasabing tulungan mo ako.
Nabigla ang diwata dahil sa sunud-dunod na hiyaw ng paos na bata; nabitiwan tuloy niya ang isang perlas, ang pinakamlaki at pinakamaganda sa lahat. Gumulong ito patungo sa direksyon ng bata at ng bangin. Buong lakas paring gumagapang ang bata habang sumisigaw at may namumutawing luha sa kanyang bilugang mata. Papalapit na ang bata sa diwata.. Konti nalamang.. Subalit hindi niya alintana ang bangin na mas malapit kaysa sa diwata. Ang diwata ay kinabahan narin at tumayo na. Ang perlas ay patuloy paring gumugumugulong patungong bangin!
Sa pagpatong ng kamay ng bata sa kawalan ay nawalan na siya ng balanse at nahulog na pababa!--kasabay ang pagkahulog ng maningning na perlas. Buong giting na lumipad ang diwata pababa hanggang sa napansin kong mag-isa na lamang ako sa madilim na pasilyo. Nabuhayan ako ng kalooban sa muling pagliwanag ng bukana ng bangin. Nakita ko ng pakpak ng diwata at ang unti-unti niyang paglutang.
Nagtagumpay siya!
Sa kanyang kamay-- hawak niya ang napakahalagang PERLAS!
Maya-maya pa, parang may bulong na dala ang hangin na umiihip sa pasilyo
--"Da...da!"