Matapos makalaya ng bahagya sa katoxican ng acads ay muling
nagbabalik ang inyong abang lingkod upang magbahagi ng isang
kwento na maaaring "napapanahon" sa araw ng mga puso.. ^_^
Happy Valentines Day sa inyong Lahat!!!
===================================================
Naramdaman mo na ba kahit minsan na parang kulang ka?
Yung parang may butas sa sarili mo..
Tapos may iniisip ka at gustong gawin pero kahit anong pilit mo, hindi mo magawang hukayin sa utak mo kung ano yun? Ayaw mong umalis sa kasi baka may naiiwan ka o kaya naman meron kang hindi pa nagagawa..
Tapos maglalakad ka lang ng maglalakad ng hindi mo alam kung saan pupunta at kung nasaan ka na..
Hanggang sa maisip mo na kailangan mo nga palang pumasok sa eskwelahan..(nakalimutan?! hehe)
Nang makarating ka na sa sakayan.. naisip mo na wala ka nga palang dalang barya at ang tanging laman ng iyong pitaka ay limangdaang piso.
Pero dahil nga wala ka ng oras, sasakay ka narin..
Pagabot mo ng pera sa drayber..
"Saan 'to?!"
"Dyan lamang po sa ikatlong kanto.."
Kasunod na nito ang walang maliw na pagsesermon ng drayber kasabay ang masamang pagtingin nya sayo..
Pagbaba, naglakad ka..
Hindi mo parin maisip kung ano ang kulang.. ang butas na kailangang mapuno..ang dapat mo pang gawin..
Malapit ka na sa gate ng school nyo..at habang kinakapa mo ang iyong ID sa bag.. nalaman mong hindi mo pala ito nadala..
Sinundan na ito ng isang mahabang paliwanagan sa mga epal na sekyu.. At sa huli ay mapipilitan ka narin na pumirma sa visitor's list kahit na isa kang lehitimong estudyante ng inyong paaralan.
Habang paakyat ka sa mga hagdan ng inyong paaralan patungo sa iyong unang subject hindi parin humihiwalay sa isip mo kung ano ang dapat mo pang gawin..
Pagdating sa room nyo makikita mo nalamang ang mga kaklase mo na mga nasubsob sa mga notes nila at mga libro..
"Anong meron?"
"Hah?! hindi mo ba alam? May exam tayo ngayon!"
Syempre, ikaw naman..matataranta at pilit na isasaksak ang mga impormasyon sa utak sa loob ng dalawang minuto..
Habang nageexam tumitining parin sa isip mo kung ano ang kulang na 'yon. Hanggang sa mapatitig ka nalang sa kawalan. Mayamaya, sumigaw ang prof ng..
"Ok, pass your papers! finish or not finish.."
Pagtingin mo sa papel mo number 5 ka palang..
Pag-uwi mo..hindi mo parin mapagtato kung ano ang bagay na yun na kanina pa umuurik sa utak mo..
Nang biglang may nagtext! Galing kay John..
ang dati mong mahal na ipinagpalit ka lamang sa iba..
"Aba! At nakakaalala pala..at nagyayakag pang kumain sa labas!"
Pumunta ka narin sa lugar na pinag-usapan nyo.. at ng magkita kayo at napatitig ka sa mata niya, naramdamn mo ang init at pagmamahal nya dati..
Pero kahit na kasama mo sya, ang kakaibang pakiramdam ng pagiging kulang parin ang nasa isip mo.. Habang kumakain, parang kakaiba parin ang nararamdaman mo..
"Hoy! Nakikinig ka ba skin?.. ang sabi ko MAHAL pa kita..at gusto kong malaman mo na ikaw lamang babaeng minahal ko"
Bigla nalamang napatigil ang mundo mo, tumining ang mga salitang ito sa utak mo.. ang sarap pakinggan ito na nagmumula sa kanya.. Subalit parang sinampal ka kasi mali..
"Tama ba ang narinig ko? Pwede ba tumigil ka na?! Sinabi mo dati, tayo na ngang dalawa. Tapos ipagpapalit mo lamang pala ako sa iba?! Sa tingin mo maniniwala pa ako sa'yo?!"
Tumitig lamang sya sayo at sabay hinawakan ang iyong mga kamay..
Nang bigalang tumunog ang cellphone mo.. ang kapatid ni John, tumatawag...
"Hello?"
Umiiyak ang nasa kabila ng linya,
"Ate..wala na si kuya..nabangga ang kotse nya kanina..
dead on arrival na sya sa ospital..Ate...wala na si kuya.."
"Ha?! Pano nangyari yun?"
Bigla ka muling napatitig sa mga mata ni John.. punung-puno parin ito ng init at pagmamahal.. at nagsalita muli sya..
"Alam mo ba yung pakiramdam na parang kulang?
Yung parang ayaw mo pang umalis kasi parang dapat may gawin ka pa?
Hindi ba sinabi ko sa'yo dati na ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa huling hininga ko at oras ko dito sa mundo?..
Sana hindi mo rin maramdaman ang ganito.. ang pakiramdam ng pagiging KULANG.."
At habang may bumabagsak na luha sa aking mga mata..
patuloy ding lumalabo ang pigura ng mukha nya..
Hindi ko na sya maaninag...
Wala na sya..
*The End*
====================================
Pahabol... ^_^
====================================
Magtatanong lang po...
* Ang uod ba kapag namatay, uuudin din?
* Ang lason ba kapag expired na nakakalason parin?
* Pwede bang magsoftdrinks sa coffee break?
* Bakit merong "fall down"? may "fall up" ba?
EXCITED na ko! bukas makikita ko na ang mga kaklase ko na mga nakagown at mga lalaki na naka coat and tie..Salamat kay Cathy na magdedebut bukas... and infairness sa Makati Shangrila ito.. Natutuwa ako... ^_^
ISA pa po... meron nanaman kaming bagong pusa na ididissect..
Yung dati namin na nagngangalang Artemis ay kasalukuyan na kasing nagdedecompose ngayon at pinagpipiyestahan ng mga maggots.. Ano na kaya ang ipapangalan namin sa kanya ng kagroup ko na si Kenneth (exposure! :D)
Maligayang araw ng mga SoPu!
Mahal ko kayo! hehe ^_^