Biyernes, Enero 6, 2006
=================================
He who has the "why" to live can bear with
almost any "how"
- Nietzche
=================================
Epekto ni Frankl
=================================
He who has the "why" to live can bear with
almost any "how"
- Nietzche
=================================
Buntunghininga...
Toxic nanaman,. lang katapusang mga exams, tambak na mga samu't-saring papers na dapat ipasa at kung anu-anong deadlines ang kailangang imeet...tapos sasamahan pa ng mga makukulit kong tutees.. hay..
nakakastress..nakakamanhid na nga minsan ang lahat ng ito,.. pero sige lang! laban lang ng laban! gawin na lahat ng makakaya sa abot ng makakaya..hindi mo na lang mamamalayan lumipas na pala..
Subalit sa kabila ng lahat ng ito, maswerte din ko na nararanasan ko ang lahat ng "paghihirap" na ito..
dahil una sa lahat hindi ko naman ito matatanggihan at dapat na talikuran..sa halip ay dapat ko pa nga itong yakapin ng buung-buo at mahalin. Masaya ako kahit na pagod ang katawan at isip ko dahil sa puyat at may kakatwang kaligayahan na dulot ng tagumpay ang namamahay sa aking kalooban... tagumpay laban sa aking sarili dahil napatunayan ko sa aking sarili na kaya ko pala!.. na kaya ko pa palang malampasan ang aking mga kakayanan at mas lalo pa itong mapalago.. nakakatuwa..
Totoo ngang bahagi ng buhay ang paghihirap.. subalit hindi lang pla ito dapat nilululon na lamang ng buo at kapag nalunok na ay wala na... ang paghhirap na nararanasan natin ay dapat nating namnamin at damhin.. at sa pagdama dito, makahanap tayo ng kahulugan kung bakit ito binibigay sa atin..
masasabi ko na masaya ako dahil nararanasan ko ang mga paghihirap na ito..
dahil sa tulong nito,.. nararamdaman ko parin na tao ako... at kung wala nito ay wala ng kwenta ang aking buhay..
Ang drama.. nakakahilo tuloy.. hehe
basta ang bottom line..
"To live is to suffer and to find meaning in these sufferings is to survive"