Ang Manunulat



Cynthia
Pinakabagong Nailathala

kagulumihanan sa tagaraw
Epekto ni Frankl
Tula para sa Sarili
Ang Tindi!
Ang Araw na BUMAGYO! (Nilipad ako at naiwan ang ak...
kaTOXICan..
Ang Pagbabalik (sa pangalawang pagkakataon) wahehe!!
Pag-UlaN ng UndErsTateMentS!
pagbabalik!
MaLABOng PagliLINAW!
Mga Kaibigan

Sedricke
Jay-R
Carlo
Adeline
Ron
Marijo
Mika
Pam
Patty
Maine
Snuff
richard
plue
dextrose
meryl
biokid
kiko
plumbum
aaron
auroraborealis
brew
storm
ross
okoi
bulitas
nini
ultrastar
badstar
richard2
Mga Tambayan

Cucurbita.com
Peyups
UP Manila
Bilang ng Mga Bisita



Mula Nobyembre 2004
Mga Balitaktakan

Salamat sa TagBoard Message Board
Pangalan

URL o Email

Mensahe(mga ngiti)

Bagtasin ang Nakaraan

Nobyembre 2004
Disyembre 2004
Enero 2005
Pebrero 2005
Marso 2005
Abril 2005
Mayo 2005
Hulyo 2005
Setyembre 2005
Nobyembre 2005
Enero 2006
Mayo 2006
Mga Pinasasalamatan

Powered by Blogger

Layout mula sa Karysima
Larawan mula sa Morguefile.com
Inakma para sa akin ni Sedricke
Content Copyright © Cynthia O. Garcia 2004

Design and Graphics Copyright © Karysima 2002-2004. All Rights Reserved.
Martes, Enero 25, 2005
Paraiso ni Mariang Makiling

======================================================
Nagkaroon kami ng isang paglalakbay sa Bundok ng Makiling noong nakaraang Sabado, ika-dalawamput dalawa ng Enero. Wala lang! gusto ko lamang po ibahagi! hihi ^_^
======================================================

Simula pa noong akoy bata, namulat na ako sa mga ibat-bang kwento ng kababalaghan at mga alamat. Nakakatawa man sabihin at aminin ay may mga ilan sa mga kwentong ito ang aking pinaniwalaan at hanggang ngayon ay saulo parin at kinaaaliwan..

At isa na nga dito ay ang aking pagkahilig sa mga diwata. Sa hindi malamang kadahilanan ay nagkaroon ako ng interes sa kanila at sa mga kwento ukol sa kanila..

Hanggang sa dumating ang araw na ako ay pupunta sa isang kabundukan na siyang pinaniniwalaang pinaninirahan ng isang diwata na akin din kinaaaliwan.. ang Bundok ng Mariang Makiling. Kasama ang aking mga kagrupo sa Botany 109, nagsuri kami at naghanap ng mga halaman na siyang aming pag-aaralan..

Nakakatuwang isipin na akoy naglalakbay sa isang lugar na siyang nabbabalutan ng misteryo at kwento, at sa bawat hakbang at simoy ng hangin na aking nalalanghap ay tila nararamdaman ko ang presensya niya at naririnig ang kanyang malamyos na tinig na siyang nagpapaginhawa ng aking pakiramdam..

At matapos ang paglalakbay na ito nasabi ko sa aking sarili na babalik muli ako sa mala-paraisong lugar na ito... Ang Bundok ng Mariang Makiling..^_^

Narito ang ilan sa mga larawan namin.. Aliw!



Mga Nabubuhay Upang mag-aral ng Buhay! ^_^


The BioBoys and BioGirls!


Panaghoy sa Suba (Makiling Version)





The Botany Dream Team!
(sedricke, chinggay, jayr, at kenneth)




Ang saya!! ^_^

Nilathala ito ni Chinggay noong 6:57:00 PM


|
Biyernes, Enero 14, 2005
BoSes mULa sA suLok ng SiLiD...

======================================
Pasensya ka na KAYUMANGGI...
======================================

Pagpasensyahan mo na ako kaibigan...kung hindi na kita laging nadadalaw,
Kung hindi na madalas ang ating kwentuhan at ang ating tsismisan,
medyo naging abala kasi ako sa mga nakaraang araw at nakaraang bakasyon... kaya heto na ako ngayon, pilit na ibinabalik ang loob mo sa akin..

Sana ay maging malapit ulit tayo...
Pero, hayaan mo,.. hahanap at hahanap parin ako ng oras para sayo...

Subalit sa kasalukuyan, kelangan ko muna ulit iwan ka at magpaalam ng sandali upang bumalik sa naiilawang sulok ng aking silid upang atupagin ang pagharap sa mga pahina ng aklat sa Biochem, Comparative Vertebrate Anatomy at Flora of Manila...

pasensya ka na ulit kaibigan ha...

Sa susunod,.ibubuhos kong muli ang puso at isip ko, sa iyo...

subalit hindi pa ngayon...

Hindi pa muna...
Nilathala ito ni Chinggay noong 2:12:00 PM


|